Ang Mommy kong low-maintenance.
Tuwing Mother's Day, tinatanong ko ang Mommy ko kung saan niya gustong kumain at kung ano ang gusto niya. Confident ako magtanong kasi alam kong mababaw naman ang kaligayahan ng nanay ko. Kaninang umaga, tinanong ko uli siya. "Saan mo gustong kumain? Kain tayo sa labas" Sagot niya, "sa Chowking". Hindi na lang ako nagpahalata na medyo nag-gag reflex ako kasi tuwing may overtime, isa ang Chowking sa "default OT food" namin.
Sabi ko, "sa iba na lang Mommy. Sa Max's ayaw mo?" Kasi alam kong paborito niya ito. Dahil sa mga nagdaang taon, tuwing Mother's Day at Birthday, yun ang lagi niyang request. Sabay dugtong ng "Nung nililigawan ako ng Daddy mo, lagi kami sa Max's. Pero yung pancit ang ino-order namin kasi mahal yung manok blah blah blah"
Cut to... Sa Kenny Roger's Roasters kami nauwi. Um-order... kumain... tapos tinanong ko siya kung gusto niyang mag-dessert. Sabi nya. yung may gulaman. Alam kong buko pandan yung gusto niya, pero pinaalala ko sa kanya na wala kami sa Max's. hehehe
Alam ko rin na gusto niya ng bagong blouse. Puting blouse. Kasi yun ang isinusuot niya kapag nagle-lector/commentator siya sa simbahan. So sabi ko, "Tara, punta tayo sa Department Store"
Sabi ko sa kanya, pumili siya ng gusto niya. Ikot-ikot... tingin-tingin... pero napansin ko ang Mommy ko sa tuwing may magugustuhan siya, tinitingnan na muna niya yung price tag, at pagkatapos ay bibitawan niya. Tinanong ko siya, " o bakit binitiwan mo yung isa? Maganda yun" Sabi niya, "mahal eh, nakakahiya naman sa yo" Sinabi ko na lang, "sige lang Mommy" At kahit medyo kapos ako sa budget, dala ko naman ang aking kaibigang tawagin na lang natin sa pangalang credit card. hahaha!
Dahil para sa akin, di bale nang ipangutang ko 'to. Ganun din naman ang ginawa ng Mommy ko tuwing dadating na ang bayaran ng tuition nung nag-aaral ako, kung may kailangan akong gamit, damit, o sapatos.
Cut to... (uli) naka-tatlong blouse siya, at bukod sa puting blouse, may napili pa siyang dalawang floral na blouse na violet, na siyang paborito niyang kulay. At salamat din dahil may sale sa Department store! dahil discounted ang dalawang floral blouse. Umuwi sila ng Dad ko at nagpaiwan muna ako sa mall. Pagkahatid ko sa kanila sa pila ng taxi, at nung pabalik na ako uli sa loob ng mall, nakatanggap ako ng text message galing sa Mommy ko. Ang sabi, "Thanks Jhett! :-)"
Napaka-simple nung Mother's Day celebration namin kung tutuusin. Napaka-cheap pa nga. Pero alam ko naman na napaligaya ko yung Mommy ko kahit papaano. HAPPY MOTHER'S DAY sa lahat ng NANAY na makaka-basa nito!
Linggo, Mayo 13, 2012
Biyernes, Mayo 11, 2012
Tila masyado yatang fascinated si Justin Bieber sa mga African American, o puwede rin nating tawaging "egoy" (dahil dedma naman ang mga Pinoy sa political correctness ng mga bagay-bagay).
Nauna na nating malaman ang pag-idolo ng talentadong binatilyo kay USHER, na kinikilala niyang idolo at "mentor", at siya ring dumiskubre sa kanya.
Pero nang mabalitaan ko ang kanyang pagsali niya sa grupo ni Floyd Mayweather nung laban nito kay Miguel Coto, nagulat ako! Napatanong din ako sa sarili ko kung bakit hindi siya umanib sa ating pambansang kamao na si Manny Pacquaio.
Isa lang ang aking napagtanto. Baka ayaw niyang mahawa siya sa accent ni Pacquiao. Baka nga naman bigla siyang mapakanta ng BIBI, BIBI, BIBI uuuuh! Like BIBI, BIBI, BIBI nuuuu!
Nauna na nating malaman ang pag-idolo ng talentadong binatilyo kay USHER, na kinikilala niyang idolo at "mentor", at siya ring dumiskubre sa kanya.
Pero nang mabalitaan ko ang kanyang pagsali niya sa grupo ni Floyd Mayweather nung laban nito kay Miguel Coto, nagulat ako! Napatanong din ako sa sarili ko kung bakit hindi siya umanib sa ating pambansang kamao na si Manny Pacquaio.
Isa lang ang aking napagtanto. Baka ayaw niyang mahawa siya sa accent ni Pacquiao. Baka nga naman bigla siyang mapakanta ng BIBI, BIBI, BIBI uuuuh! Like BIBI, BIBI, BIBI nuuuu!
Yaman din lamang at parami na nang parami ang natutuwa sa mga pino-post ko na status sa aking facebook, ako ay nahikayat na bumuo ng blog ng dalawa sa aking pinakamalapit na kaibigang itago na lang natin sa initials na Betsy at Karl. hahaha! Who knows? Baka dito ako ma-discover! Baka ito na ang stepping stone ko sa shiyowbiz, o di kaya nama'y baka yumaman ako rito! Ate Betsy, ginamit ko na rin ang copy mo as a sub-head. hehehe.... Kaya mga friends... welcome to BLOG-AG! Mga kuwentong OLATS! PANALO!, PUWEDE!, TUMPAK! or simply... PAK!
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)