Tawagin n'yo nang mapanlait... ngunit para sa akin, ako ay isa lamang na observer! hahahaha! Na-train ako at ang aking bestfriend noon na mag-observe (o sige na nga, manlait) sa mga tao habang naka-tambay sa corridor ng USTe. Bawat tao, iniisipan namin ng kuwento. Kaya naman siguro ako bumagsak sa trabaho sa advertising. hahaha!
Fast forward sa ngayon. Delikado yata na nauso ang mga camera phones dahil bawat mapansin ko na nakakatuwa, nakakainis, o nakaka-aliw ay agad kong nilalabas ang aking camera phone para kunan ang mga ito. Kaya hayaan ninyo akong i-share sa inyo ang aking mga "snapshots" sa mga nagdaang araw. hehehe...
Unahin natin sa aleng ito. Hindi porke't nasa bahay ako at nakahiga nang matiwasay sa aking kama at nanonood ng TV ay makakalampas sa akin ang mga pangitain na ito. HAHAHA! Ate, kung mag-pe-present ka ng trophy sa Guillermo Mendoza Box Office King and Queen Awards night, try mong mag-pout ng lips! WAHAHAHAHA!
Kung ikaw naman ay isang ama, at mahal na mahal mo ang iyong unico iho. Huwag mo naman siyang damitan ng trip mong porma. Hindi pa ba sapat na magkamukha kayo at gawin siyang Junior at kailangan mo pa siyang suotan ng damit na parehong pareho ng sa iyo? Kuya... isinusumpa ko, pag nagbinata yang anak mo, ikakahiya niya itong PHASE na ito sa buhay niya. HAHAHAHA!
Ok.. Ok... Alam ko na super mamahalin ang HERMES na bag. Pero kailangan ba na isang giant Hermes bag ang iyong sukbitin habang naglalakad sa mall? Kuya... konti na lang, kasya ka na sa loob niyan. HAHAHAHA!
Isa sa mga pet peeve ko ay ang makakita ng mga lalaking naka-black leather shoes at naka-puting sports socks. At lalong malala, kung maikli pa ito at may tatak pa. GRRRRR!!!! HAHAHA!
OK... Define "Dressing Comfortably". Kuya... mukhang napakalapit ng bahay mo sa grocery ah! HAHAHAH! Next time naman, kung lalabas ka, wag namang naka-boxer shorts at sandong butas lang ang suot mo. Moral of the story: Image is everything. Hindi mo alam kung sino ang makakakita sa iyo. At.. halos lahat yata ng tao ngayon ay may camera phone na. HAHAHAHA!
At ang aking huling tampok sa edisyon na ito... Mabasa nawa ito ng mga taga-advertising lalo na ang mga Art Director. Paumanhin na lang kung kakilala ko ang gumawa nitong billboard na ito, o ang Photographer na nag-shoot na ito... Pet peeve ko ang makakita ng ganito. Ng isang talent na animo'y tumatakbo... Pansinin ninyo yung Derek na naka-suit sa may bandang kaliwa ng layout. May tao bang tumatakbo nang sabay ang paa at pag-unday ng kamay? WALA 'DI BA?! Laging saliwa ang galaw ng paa at kamay habang lumalakad o tumatakbo. Unless nagpapatawa ka, puwede mong gawin yun. Nawa'y maging aral ito sa mga Art Director at Photographer na mag-shu-shoot ng "walking" o "running" talent sa hinaharap. Gawin nang tama!
Hanggang sa susunod na edisyon mga kaibigan! At SALAMAT sa pagbabasa!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento