Nanonood ako ng mga show o concerts nila kapag nakakapag-ipon mula sa aking baon at lalong natutuwa ako kapag may libre silang pagtatanghal sa mga malls. At NAPIPIKON AKO kapag nakakabasa ng mga articles nila sa mga pahayagan na hindi naka-capital letter ang Y sa The CompanY. Hahaha!
Kaya ganun na lang ang laking tuwa ko noong nagkaroon ako ng pagkakataon na makasalamuha sila sa pamamagitan ng isang interview noong ako'y isang writer/producer ng DWJOLLIBEE, ang "taped pipe-in radio station" sa lahat ng Jollibee stores noong 1995. Inabangan ko sila noon pagkatapos ng mall show nila sa Shangri-La Plaza Mall at bagama't walang pasabi ay pinaunlakan nila ang interview na iyon.
Fast forward sa ngayon... Ako'y pinalad na magkaroon ng pagkakataon na maging isa ring mang-aawit. Bilang parte ng mga grupong aking sinalihan noon, (4 by 4 noong 1995-1997, Quarter to Five noong 1998-2000, At AKAFELLAS 2004-present) hindi pa rin nawawala ang aking pagtatangi sa kanila bilang aking mga idolo sa musika. Ang aking grupo, ang 11-year old na Akafellas ay wala pa ring panama sa kanilang 27 years na industriya. At isa na rin ako sa makakapagpatunay na magmula nung nakilala ko sila ilang taon na ang nakakaraan, ay ganun pa rin sila hanggang ngayon.
Hindi lang nila alam, sa tuwing magkakaroon ng pagkakataon na makakasama ko sila ay kinikilig at na-s-starstruck pa rin ako. Ganun yata talaga kapag tinitingala mo at ini-idolo. Kaya ganun na lang ang laking tuwa ko noong amin silang makalaro sa SINGING BEE noon...
... at nang magkaroon din kami ng pagkakataon na makasama sila sa SHARON noon, kasama rin ang Beatbox Philippines.
Ilang araw na ang nakakaraan, taas-noong dinala ng The CompanY ang bandila ng Pilipinas sa The Venetian Macao Jazz & Blues Competition. Mula sa daan-daang mga grupo mula sa buong mundo, ay napabilang sila sa Top 6 na pinakamagagaling! Hindi na ako nagtaka sa totoo lang at in-expect ko na yun.
Kaya mula sa inyong abang lingkod, aking ipinaaabot ang aking malugod na pagbati sa inyo, The CompanY, dahil sa taas-noo ninyong iwinagayway ang bandila ng Pilipinas sa patimpalak na iyon.
Kayo ang PANALO sa akin at sa buong bansa, sa puso ko at sa isip ko.
Isa na lang siguro ang mahihiling ko. Ang makasama uli sila sa isang entablado. Ang maihalo ang aking munting tinig sa kanilang magarang harmony, at siguro, maka-fellowship sila kahit over coffee lang. hehehe...
Pero hangga't hindi pa nangyayari uli iyon, mananatili pa rin akong isang FAN. Fan na paulit-ulit pa ring kikiligin at maha-"high" sa inyong musika. MABUHAY kayo, The CompanY!!!!
------------------------------
Ang The CompanY ay binubuo nina Sweet Plantado, Annie Quintos, Cecile Bautista, Jay Marquez at Moy Ortiz. Bili na ng kanilang pinaka-bagong CD na Light-Hearted 2 mula sa Viva Records!
maraming maraming salamat Jhett sa iyong pagkakaibigan at pagsuporta. tuwang tuwa ako dito sa sinulat mo na blog. God bless you and the Akafellas. Oo nga no? sana mangyari ulit na mag show tayo!! Salamat ulit Jhett. napakabait mo.
TumugonBurahin