Nagawa ko 'to dahil siguro sa pinaghalong pagkadismaya sa hindi pagkapanalo ni Jessica sa naturang contest, at dahil na rin sa nakakatawang itsura ni Jennifer Holliday na animo'y gusto niyang lamunin nang buhay si Jessica.
Ganun na lang ang aking pagkagulat nang i-text ako ng isang kaibigan para sabihing lumampas na sa isang libo ang nag-"share" ng ginawa kong ito.
meme pala ang tawag dito. (meem ang pagkabigkas) HAHAHA! Ipagpaumanhin ninyo dahil lately ko lang nalaman na "meme" pala ang tawag sa ginawa kong ito. Agad ko namang tiningnan ang kahulugan ng meme sa internet at ito ang aking nakita:
A "meme" is a virally-transmitted cultural symbol or social idea. A meme (rhymes with "team") behaves like a flu or a cold virus, traveling from person to person quickly, but transmitting an idea instead of a lifeform. According to Cecil Adams of theStraightDope.com, the concept of memes "is either really deep, or really, really obvious".
Historically, a meme is a discrete "package of culture" that would travel via word of mouth, usually as a mesmerizing story, a fable/parable, a joke, or an expression of speech. Today, memes travel much faster than simple speech. As Internet email forwards, instant messages, and Web page links, memes now travel instantly via the Internet.
Ang kadalasan naman daw na tema ng mga meme ay mga sadyang nakakatawa , dahil ito raw ang mas nakakarating sa mas maraming tao at ito ang mga laging ifino-forward o shine-share.
Ang "meme" raw ay unang inintroduce ng evolutionary biologist na si Richard Dawkins noong 1976. Ang "Meme" ay galing sa Greek word na "mimema" (meaning "something imitated", American Heritage Dictionary). Inilarawan ni Dawkins ang mga meme bilang isang paraan ng pagpo-propagate ng kultura, isang paraan para maisalin ng mga tao ang social memories at cultural ideas sa isa't-isa.
Ang larawang ito na pinost ko ay umabot ng 1,701 shares sa ngayon at itinampok pa, kasama ang ibang mga internet meme sa UNANG HIRIT sa GMA7 isang araw lamang matapos ko itong i-post!
Kahapon, pagkatapos ng makasaysayang CORONA IMPEACHMENT TRIAL, at matapos kong mapanood nang pahapyaw ang munting speech ni Senator Lito Lapid, Akin namang ginawa ang meme na ito na sa ngayon ay umabot na sa 1,800+ shares!
Matapos ang aking dalawang magkasunod na meme ( na tinangkilik naman ng mga tao), asahan ninyong gagawa pa ako sa hinaharap ng mga meme. Hindi ko lang alam kung tungkol saan, at kung kailan, basta inyo na lamang abangan.
At siyempre, inaasahan ko na na hindi naman lahat matutuwa sa mga ilalabas ko. May mga tao pa rin talagang mag-re-react negatively. Ang masasabi ko lang, ginagawa ko ito all in the spirit of fun.
Wala na lang basagan ng trip. WAHAHAHAHAHA!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento